» Pang-unang Pahina » Ang Pagpatay Dahil sa Karangalan

Ang Pagpatay Dahil sa Karangalan

Ilan sa katutubo at makatribung pag-uugali sang-ayon sa ibat-ibang lipunan, ang kinamulatan ay ang pagbibigay sa lalaki ng kapangyarihang mangibabaw kung ang kanilang karangalan ay nakataya, at nahiwatigan na ang kanilang mga kababaihan (kamag-anakang babae) ay gumagawa ng kalokohan, at kahit na walang katotohanan at hindi mapatunayan na siya nga ay gumagawa ng pakikiapid, papatayin siya ng lalaki upang mapangalagaan ang kanyang karangalan. Ang kalagayang ito ay pinagulo ng mga tagapagbalita dahil sa ilang mga walang prinsipyong tao na nasa kapangyarihan sa ibat-ibang parte ng pamahalaan na kinagawiang takpan ang kanilang mga mata o nagkukunwaring bulag sa mga panyayari, kaya’t, ang naging bunga ay ang pagpapatuloy nito.

Ang kasagutan dito ay madali.Sa pasimula, ang mga tao ay di pinapayagan ilagay ang batas sa kanilang sariling mga kamay at parusahan sa ganitong gawain laban sa hindi tamang hinala ng pakikipag-relasyon, na kung saan ang alituntunin ng pagtestigo sa Islam ay napakahigpit. Samakatuwid, ito ay tuwirang paglabag sa Batas ng Islam. Kung ang hukuman ay tayahin ang kaso bilang ganap na pagplanong pagpatay, pagkatapos ng masusing pagsusuri at pag-aaral ng lahat ng pangyayari at ang pagtanggap ng mga katibayan na walang pasubali, ito ay mayroong kaparusahan sa Batas ng Islam ng walang kinikilingan at paghihiganti sa mga ganitong kaso ng pagplanong pagpatay.

Ang malungkot na katotohanan ay dahil sa batas ng walang kaugnayan sa relihiyon ay nasa mga bansang ito, at dahil ang mga politiko ay pinapayapa kunwari ang pagkakahati ng mga tao at ibang namumuno para sa kanilang kapakinabangan ukol sa politika, at ang mga di-makatuwirang kinamulatan ito ay pinapahintulutang magpatuloy. Kung ang mga batas ng Islam ay napagtibay at ipinatupad, ang mga matinding parusa laban sa pangangalunya, pakikiapid, pagpatay atbp. ay makapagbibigay saya para sa mga Muslim; na ang katarungan ay mangingibabaw, at ito ay makakabawas sa damdaming paghihiganti na binabalak.