» Pang-unang Pahina » Ang Karapatan ng Babae sa Pamana

Ang Karapatan ng Babae sa Pamana

Ang Dakilang Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an:

"Ang Allah ay nag-uutos sa inyo tungkol sa inyong mga anak (sa mamanahin); sa mga lalaki, ang kanyang bahagi ay katumbas ng sa dalawang babae...

" (Qur'an 4:11)

Ang mga hindi nakakaunawa sa Islam ay nagsasabi na ang Islam ay hindi makatarungan sa babae kung nauukol sa pamana.

Sila ay tumututol na di makaturangan kung bigyan ang lalaki ng kasing dami ng bahagi ng dalawang babae kahit na sila’y mga anak sa parehong mga magulang. Ang Dakilang Allah ay nagbigay sa Banal na Qur'an at sa Sunnah ng ganap at kompletong pamamaraan tungkol sa pamana ng mga babae, at kung ang isang estudyanteng hindi kumikiling ay mag-iisip ng seryoso sa mga detalye, matutuklasan niya ang kamalian ng pagtutol.

Sa umpisa palang, ang Dakilang Allah ay nagpasiya na sa lahat ng bahagi ng mga kamag-anak na may kaugnayan sa namatay. Ang Allah, ang Pinakamaalam ay nagsabi:

"Mayroong bahagi para sa mga lalaki at bahagi para sa mga babae mula sa naiwan ng mga magulang at doon sa mga malalapit na kamag-anakan, kahit na ang ari-arian ay maliit o malaki, ito ay nakalaan na bahagi.

" (Quran 4:7)

Ang Dakilang Allah ay naglahad ng tatlong pamamaraan sa pamana ng mga kababaihan, ito ay ang mga sumusunod:

a.Ang babae ay dapat magkaroon ng katumbas na bahagi katulad ng sa lalaki.

b.Ang babae ay maaaring magkaroon ng kapantay na bahagi katulad ng sa lalaki, o kaya ay kakaunting bahagya.

c.Ang babae ay magkakaroon ng bahagi ng kalahating bahagi ng sa lalaki.

Ang ibig sabihin nito na ang pinakamababang bahagi ng babae ay kalahati at kung isaalang-alang na ang babae ay walang patuloy na tungkulin sa pananalapi para sa mga bata, kapatid na babae, asawa o para sa ina, at ang mga tungkuling ito ay palaging nasa pamamahala ng mga lalaking may pamilya, tunay ngang ito ay kagandahang loob (para sa babae).

At sa mga interesadong malaman ang mga karagdagan detalye sa bagay na ito ay hinihikayat na basahin ang aklat na tanging sangay ng karunungan sa Islam na tinatawag na, 'Ang Siyensiya Tungkol sa Pamana at ang Paghati-hati ng mga Ari-arian', na may kaugnayan sa ibat-ibang paraan sa paghati-hati ng pamana, ang tamang paghati-hati ng mga kamag-anak batay sa Qur’an at Sunnah. Bago magbigay ng paghusga tungkol sa 'di-makatarungang pagtrato ng Islam sa mga babae sa punto ng pamana', kailangan pag-aralan munang mabuti ang paksang ito.

Ang kaibahan sa ibang lipunan, ang Batas ng Islam ay nagtakda ng mga alituntunin at mga pamamalakad tungkol sa lahat ng mga gawain ng isang lalaki, mula sa malaki hanggang sa pinakamaliit, upang makapagbigay ng pagkakaisa sa kanilang buhay. Katulad ng isang tao na may tiyak na pagtuturo kung papaano mabuhay at gamitin ang salapi sa mahabang panahon, ang kanyang kayamanan pagkatapos siyang mamatay ay ganoon din ang gagawin. Hindi katulad ng ibang panlipunang pamamaraan, ang tao ay maaaring gamitin pangkalahatan ang kanyang kayamanan sa kanyang buhay sa kahit na anong paraan naisin niya subali't sa kanyang kalooban ay may hangganan na sumasang-ayon sa Batas ng Islam. Sa kanyang kagustuhan, maibibigay lamang niya ang 1/3 ng kanyang kayamanan kung kanino niya gusto, at ang lahat ay ipamamahagi batay sa nakasulat sa batas ng pamana mula sa Qur’an.

Sa kilalang tradisyon, ang kasamahan ng Propeta (r) na si Sa’ad ibn Abi Waqqas (t) nang siya ay nagkasakit, siya ay nakiusap (dahil siya ay mayaman at mayroong lang nag-iisang anak na babae) kung maaari niyang ipamigay ang karamihan ng kaniyang yaman sa kawanggawa, o ang kalahati nito. Ang Sugo ng Allah (r) ay nagbawal sa kanya at pinayagan siya na magbigay lamang ng ikatlong bahagi at nagsabi

“Ang ikatlong bahagi ay marami na, mas mabuting iiwanan mo ang iyong mga tagapagmana na masagana kaysa iiwanan mo silang nangangailangan at namamalimos mula sa mga tao. Hindi mo na kailangang gumastos at hanapin ang pagpapala ng Allah ngunit makakatanggap ka ng gantimpala para sa mga ginastos mo, kahit na ang isang subo ng pagkain na iyong isusubo sa bibig ng iyong asawa.

” (Iniulat nina Bukhari, Muslim atbp.)

Ang mahalagang punto na dapat pansinin sa maraming lipunan, ay ang batas na gawa ng tao sa pamana ay nasa kagustuhan ng makapangyarihang tao; ang magbigay o hindi, na kagustuhan ng isa, kahit na hindi makatarungan. Higit pa rito, sa ganitong lipunan malimit na walang batas na nag-uutos sa lalaki sa tungkuling pananalapi at magpaginhawa sa mga babae mula dito. Sa kabilang dako, batay sa Islam, kailangan ang lalaki ang siyang mangangalaga sa buong pangangailangang pananalapi ng babaeng umaasa sa pamilya hanggang sila ay makapag-asawa. Magmula sa pag-aasawa ng babae, ang kanyang pananalaping kinakailangan ay ipagkakaloob na ng kanyang asawa. Pagkaraang mamatay ang lalaki, ang anak o ibang lalaking kamag-anak ay ubligadong mangalaga sa nabiyuda.

Samakatuwid, ang paghingi ng 'magkatulad', 'makatarungan' at 'magkapantay' na bahagi ng pamana para sa lalaki at babaeng Muslim na hindi magkatulad ang tungkulin at pananagutan, hindi ito makatarungan at makatuwiran. Kaya tangi lamang na makatarungang bigyan ng higit na pagtangi ang lalaking tagpagmana, ayon sa kanyang pananalaping pananagutan, kaysa sa babaeng tagapagmana mula sa ama, ina o kahit kanino. Isaalang-alang ang lahat ng ito, ang katotohanan sa batas ng Islam, ang babae ay may karapatan na kalahating bahagi sa pamana na tatanggapin ng lalaki, at kung minsan magkaparehong bahagi, ay tunay na makatuwiran, makatarungan, at mapagkawanggawa.

Si Ginoong Gustave Le Bon ay nagsabi sa kanyang aklat na .

'Arab Civilization':

“Ang mga alituntunin ng pamana na itinakda ng Qur’an ay labis na natutugunan ang pagiging makatarungan at pagkapantay-pantay. Ang taong makababasa sa Qur’an tungkol sa pamana ay mauunawaan niyang ito ay napakabuti at napakainam. Masasabi ko rin na ang mga alituntuning ito ay mabisa sa punto ng pagiging tuntunin at pangkalahatang batas. Pinaghambing ko ang 'British', 'French'at ang batas ng Islam tungkol dito sa pamana at napag-alaman ko na ang Islam ay nagkakaloob sa mga asawa ng mga Muslim ng makatarungang pamana na hindi matatagpuan sa batas ng mga taga Kanluran (na nag-aakala na malupit at hindi pinakikitunguan ng pantay ang mga asawa ng mga Muslim)"

Ayon pa rin sa Islam, ang mga lalaki sa pamilya ang babalikat sa lahat ng gastusin na bunga ng pagbayad sa “Diyah" (Blood Money), at ito ay isa pang natatanging paksa na ating tatalakayin sa ngayon.