»
Pang-unang Pahina » Ang Paggamit ng Hijab (Pantakip sa Ulo at Mukha)/div>
Ang Paggamit ng Hijab Pantakip sa Ulo at Mukha
Ang paksang ito ay naging mainit na usap-usapan sa mga pangkalahatang pamamahayag, lalong-lalo na sa mga ilang sekular at makabagong bansa tulad ng Pranses at Turki na humihiling na maging labag sa batas ang pagsuot ng bandana sa ulo o belong pantakip sa mukha sa mga pampublikong lugar. Hindi na natin pagtutuunan pang pakasaliksikin o himayin ang mga paksa, subalit, sa mga naunang tinalakay na paksa sa itaas at sa mga ilan pang karagdagang usapin sa ibaba, hahayaan na lang natin ang mga mambabasa ang siyang humusga kung ang kapi-kapitagang pananamit at ang pagtatakip ng alindog at mga palamuti ng kababaihan, na ipinag-uutos sa banal na kasulatan ng Islam, ay tanging para sa kanyang dangal at pangangalaga lamang o hindi.
Ang Allah (U) ay nagsabi:
"O Propeta! Sabihin mo sa iyong mga asawa at sa iyong mga anak na babae at sa mga sumasampalatayang babae na iladlad (nila) sa kanilang sarili ang kanilang panglabas na kasuutan (o kaya ay ang mga belo) sa buong katawan. Ito ay higit na mabuti na sila ay makilala upang sila ay hindi magagambala at mapagsamantalahan. Ang Allah ang lagi ng Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.
" (Qur'an 33:59)
Ang talatang ito ay malinaw na nagpahayag ng dahilan na ang babae ay pinag-utusang takpan ang sarili ng makilala siya bilang kagalang-galang na babaing Muslim, upang maiwasan ang mga nakayayamot na tingin at mga titig ng mga kalalakihan. Alam nating lahat na ang mapang-akit na pananamit ay nag-uudyok sa ilang kalakakihan upang magsamantala, at mailantad ang mga kababaihan sa pang-aabuso. Maaaring ito ay inihihikayat at inilalako ng ilang mga lipunan, subalit hindi ang mga kagalang-galang at mananampalatayang mga Muslim.
Ang Sugo ng Allah (r) ay nagsabi:
"Ang Allah ang sumulat ng bahagi ng Zina (pangangalunya o pakikiapid) na magagawa ng lalaki, at ito ay tiyak na magaganap. Ang Zina ng mata ay ang matiim na pagmamasid (sa babae), ang Zina ng dila ay ang pagsasalita, ang puso ay nag-aalab at naghahangad, at ang maselang bahagi ng katawan ay magpapatunay o tatanggi.
" (Pag-uulat nina Bukhari, Muslim atbp.]
Ang kaugaliang ito ay tumutukoy na ang ilang mga pagkakasala ay magaganap ng mga kalalakihan, at magkagayon ang lahat ng mga pamamaraang pagsanggalang ay nararapat na mailagay upang mabantayan mula sa sobrang panunukso, na naipaliwanag na sa alituntunin ng Islam. Ang ilan sa mga ito ay patungkol sa pananamit ng kababaihan tulad ng maluwag na pananamit sa katawan, panaklob sa ulo, at naaayon sa mga tunay na pagpapaliwanag ng banal na kasulatan ng Qur'an at ng Sunnah, ang belong pang-mukha.
Ang Allah (U) ay nagsabi rin:
"At ipahayag sa mga sumasampalatayang babae na ibaba nila ang kanilang paningin at pangalagaan ang kanilang maselang bahagi ng kanilang katawan at huwag ilantad ang kanilang mga palamuti maliban lamang kung ano ang (nararapat na) nakalitaw at iladlad ang kanilang belo hanggang sa kanilang dibdib at huwag ilantad ang kanilang mga palamuti maliban lamang sa kanilang asawa, sa kanilang ama, sa ama ng kanilang asawa, sa kanilang mga anak na lalaki, sa kanilang mga kapatid na lalaki, sa mga anak na lalaki ng kanilang mga kapatid, sa mga anak na lalaki ng kanilang mga kapatid na babae, sa kanilang mga kababaihan na ankin ng kanilang kanang kamay (kanilang mga alipin), o mga kalalakihang katulong na hindi na mapusok at wala ng pagnanasa, o ang mga bata na wala pang muwang sa pangkasarian ng mga babae. At huwag hayaang ipadyak nila ang kanilang mga paa upang malantad ang anumang natatago nilang palamuti. At magbalikloob kayo sa Allah, sa pagsisisi, kayong lahat, O mga sumasampalataya upang kayo ay magsipagtagumpay.
" (Qur'an 24:31)
Ang talatang ito ay nagpapahiwatig sa mga pangkat ng mga lalaki bilang "mahram" tulad ng nabanggit sa itaas, at itinatalaga na ang kalalakihan at kababaihan ay nararapat na ibaba ang kanilang mga paningin bilang kapita-pitagan, na siyang pinakamabuting pananggalang mula sa mga likas na tukso at mga lumalabas na nakakaakit sa pagitan ng dalawang kasarian.
Ang Allah (U) ay nagsabi, nagpapahiwatig sa mga nakakaakit na pamamaraan ng mga kababaihan noong bago dumating ang Islam ay nakasanayanan na ang pag-uugaling ito, at tinatawagan ang mga mananampalataya sa nararapat na pag-uugali at pagsisisi:
"At kayo ay manatili sa inyong tahanan, at huwag maglantad ng mga sarili katulad noong panahon ng kamangmangan, at magsipag-alay kayo ng takdang pagdarasal (Salah), at magbigay ng katungkulang kawanggawa (Zakah), at tumalima sa Allah at sa Kanyang Sugo. Hinahangad lamang ng Allah na mawala ang dumi (kasalanan) sa inyong pagkatao, O kayong mga kapamilya ng Propeta, at gawing kayong dalisay at walang bahid-dungis. At inyong alalahanin (O kayong mga kapamilya ng Propeta), ang mga Talata ng Qur'an na dinadalit sa inyong mga tahanan at ang Hikma (Karunungan - katulad ng sa Sunnah o pamamaraan ng Propeta). Tunay, ang Allah ang Ganap na Mapitagan, at Lubos na nakakaalam ng lahat ng bagay. Katiyakan, ang mga kalalakihan at kababaihang Muslim, ang mga sumasampalatayang lalaki at mga babae, ang mga masunuring lalaki at mga babae, ang mga matiyagang lalaki at mga babae, ang mga mapagkumbabang lalaki at mga babae, ang mga mapagkawanggawang lalaki at mga babae, ang mga mapag-ayunong lalaki at mga babae, ang mga malilinis o dalisay (nangangalaga sa kanilang maselang bahagi ng katawan) na lalaki at mga babae, at ang mga lalaki at mga babae na lagi nang nag-aalaala sa Allah sa pamamagitan ng kanilang mga dila at puso; Ang Allah ay naghanda sa kanila ng pagpapatawad at malaking gantimpala (ang Paraiso). Hindi nararapat sa isang mananampalatayang lalaki o babae, na kung ang isang bagay ay napagpasiyahan na ng Allah at ng Kanyang Sugo, na magkaroon pa sila ng anumang pamimilian tungkol sa kanilang pasya. At sinuman ang sumuway sa Allah at sa Kanyang Sugo, katunayang siya ay napaligaw sa maliwanag na kamalian.
" (Qur'an 33:33-36)
Makikita natin sa mga alituntunin ng Islam tungkol dito, bagaman kahalintulad ng mga ibang kultura kung saan ang kapita-pitagang pananamit at ang kaugalian ay isinasaalang-alang, ngunit kakaiba ang pinakamataas na pamantayan ng kadalisayan na pagkakakilanlan sa mga Muslim, sa pagkamakatarungan, at sa kagandahang asal. Ang Islam ay nangangalaga at nag-iingat sa bawat tao at ng lipunan mula sa hindi magandang pagkakataon at hindi kinakailangang pakikisalamuha sa pagitan ng mga kalalakihan at kababaihan na maaari ng magpakasal at sila ay natutulak sa mga likas na tukso. Ang Sugo ng Allah ang nagsabi sa makatotohanang kaugalian.
"Katunayan sa bawat relihiyon ay mayroong katangian, at ang katangian sa Islam ay Haya`a (mapitagan, mayumi, mabini).
" (Pag-uulat ni Ibn Majah at pinatotohanan)