» Pang-unang Pahina » Paunang Salita

Ang Paunang Salita ng Tagasalin

Ako ay nagsisimula sa Ngalan ng Allah, Ang Mahabagin, ang Maawain. Lahat ng papuri ay nauukol lamang sa Allah, ang Dakila. Nawa'y purihin at itampok ng Allah ang pagbanggit sa Propeta at iligtas siya at ang kanyang pamilya, ang kanyang mga kasamahan, at ang lahat ng mga tumatahak sa kanilang landas na ligtas mula sa anumang kasamaan at ipagkaloob sa kanila ang katiwasayan sa Araw ng Muling Pagkabuhay.

Tinatalakay sa aklat na ito ang natatanging katayuan ng mga babae sa relihiyong Islam at ipapaliwanag ang mga ibang maling pagkakaunawa at maling pagpapalaganap sa pamamagitan ng paglalathala ng mga ignoranteng tao ng may masamang hangarin. Sa Islam ang mga lalaki at mga babae ay pantay sa kanilang pagkatao, at sa kanilang mga saligang pananagutan at karapatan, ang pagkakakilala bilang likas na bago sa mundo kung ikumpara sa ibang kabihasnan sa panahon ng pagdatal ng Islamikong mensahe sa pamamagitan ni Propeta Muhammad (r) at nananatili sa mga maraming tao sa buong mundo hanggang sa ngayon. Sa Islam ang mga kalalakihan at ang mga kababaihan ay mayroong tungkulin na ginaganap o pinupunan ng bawa’t isa sa lipunan. Ang mga ito ay kasukat ng kani-kanilang likas na pangangatawan, pangkaisipan at pagkiling sa lipunan at ang mga di-pagkakasundo. Ang mga katangian ng mga babae ay maaaring maging ganap kung ang mga ito ay mabigyan ng katuparan ang pagkakaugnay niya sa mga lalaki. Gayon din ang katangian ng pagkalalaki ng mga kalalakihan ay hindi magiging ganap kung hindi mabigyan ng halaga ang pakikipag-ugnayan niya sa mga babae sa lipunan. Malaking kawalan ng katarungan ang mangyayari kung sapilitang hahanapin sa kanila ang pagkakapantay ng katangian ng bawa’t isa dahil sila ay likas na hindi pareho, datapwa’t sila ay kapupunan ng bawa’t isa. Kung pipilitin nating sila ay hindi magkapantay, sila ay ating hinahamak, dahil sila ay tunay na magkapareho. Ang Allah, ang Makapangyarihan at ang Tagapaglikha na Nakababatid ng lahat ng bagay, lamang ang Walang Kapintasan Tagapatnubay sa tama at pinong landas, na walang pagkukulang at pagmamalabis. Dahil ang mga karapatan ay laging nauugnay sa kakayahan, tungkulin at pananagutan, ang walang katulad na pananaw ng Islam tungkol sa mga karapatan ng mga babae ay nararapat na lubos na mailagay sa nilalaman ng alituntunin ng kagandahang-asal at ayon sa batas ng Islamikong paniniwala, kabutihang asal at sa pagbabatas. Ang sangkatauhan ay mananatili at magtatagumpay lamang kung nananatili at umuunlad ang bawa’t pamilya, kalakip ng pagsasagawa ng mga tungkulin at natatanggap ang karapatan ng bawa’t miyembro ng pamilya, habang nagpapasakop sa katanggap-tangap na kabanalan o kabutihan sa lahat ng dako (ng daigdig), kasama sa mga ito ang pananampalataya, kadalisayan, kahinhinan, paggalang, ang magandang pag-uugali o kabaitan at katapatan ng moralidad. Tunay na ang mga iba't ibang lipunan at kultura ay maglalarawan ng ibang pananaw sa mga ganitong paksa at kagalingan.

Sa mga ipinanaog na kapahayagang Islamiko, maraming mahusay na pagpapakilala at tumutukoy sa pagkapantay-pantay ng babae sa lalaki, at ang natatanging ugnayang bumibigkis at namamagitan sa pagitan ng lalaki at babae. Halimbawa ang Allah, ang Maharlika, ay nagsabi;

“Katiyakan, ang mga lalaking nagpapasakop at ang mga babaeng nagpapasakop, ang mga sumasampalatayang lalaki at mga sumasampalatayang babae, ang mga masunuring lalaki at mga masunuring babae, ang mga matatapat na lalaki at mga matatapat na babae, ang mga matitiyagang lalaki at mga matitiyagang babae, ang mga mababang-loob na lalaki at mga mababang-loob na babae, ang mga mapagkawanggawang lalaki at mga mapagkawanggawang babae, ang mga mapag-ayunong lalaki at mga mapag-ayunong babae, ang mga lalaki na nangangalaga sa kanilang maselang bahagi ng katawan at mga babae na nangangalaga sa kanilang maselang bahagi ng katawan, at ang mga lalaki na lagi ng nag-aalaala sa Allah at mga babae na lagi ng nag-aalaala sa Allah, sa kanila ay inihanda ng Allah ang pagpapatawad at malaking gantimpala (ang Paraiso).

” (Qur’an 33:35)

Ang Dakilang Allah ay nagsabi; “…Sila ang inyong damit (saplot) at gayundin naman na kayo ang kanilang damit (saplot)…

” (Qur’an 2:187)

Ang mga damit at mga kasuutan ay kinakailangan upang mainitan, pagsanggalang, pangsaplot, at palamuti; sa ating mga kasuutan ay may ginhawa, kapanatagan, kasiyahan at pagkakakilanlan. Ang mga lalaki at babae ay kailangan nila ang bawat isa katulad ng katawan ng tao na hubo ay nangangailangan ng damit upang harapin ang kanyang likas at panlipunan kapaligiran.

Ang Islamikong lipunan ay may sariling pananaw na magpapakilala, na ang paglalarawan na ito ay siyang maaaring pinakamataas na uri sa pagpapahalaga sa tao na matatamo dahil ito ay batay sa banal na kapahayagan at sa patnubay mula sa nag-iisang Tagapaglikha, ang Diyos ng Sangkatauhan, ang Allah ang Mapagbigay, ang Matalino, ang Dakila at Nakababatid ng lahat, alam Niya ang lahat ng mga pangangailan ng Kanyang mga nilikha. Ipinadala Niya ang Kanyang huli at sagka ng mga Propeta sa sangkatauhan, si Muhammad ibn Abdullah (r). Binigyan siya ng Dakilang Allah ng inspirasyon sa pamamagitan ng kapahayagan at katuruan na naging lubos na patnubay at halimbawa sa mga matatapat na mananampalataya, na nag-akay sa mga alipin ng Dakilang Allah sa pagiging matapat at masunurin, sa lahat ng uri ng pagkakataon at sa lahat ng kalagayan ng buhay. Sa kababaang-loob ng paglilingkod ni Muhammad, ang Sugo ng Allah (r), na nagdala ng mensahe at isinagawa ang malaking pananagutan ng kanyang misyon na may kabaitan at awa.

Ang kanyang pamilya at tagasunod, kahima’t tao na hindi sakdal na siyang tanda ng kahinaan ng tao, ay sumunod sa kanyang halimbawa, sa katatagan ng pagiging mabuti at kahit na hindi binibigyan ng halaga ang kanyang kabaitan. Pagkatapos ng mga halimbawa ng mga Propeta ng Allah, kasama na rito sina Noe (Noah), Ibrahim (Abraham), Moises (Moses) at si Hesus (Jesus), (Nawa'y purihin at itampok ng Allah ang pagbanggit sa kanila), sila ang nagpakita sa atin ng pinakamagandang halimbawa. Ang mga ibang humaliling henerasyon na mga Muslim ay nagpakita ng iba’t-ibang kaugalian, at ang iba ay nakakalungkot na lumihis ng tunay na nakakasindak sa pinakamababang grado ng pagkaligaw, pagkakasala at kriminal na kaasalan. Magkagayon pa man, ang mga ibang Muslim ay nanatiling masigasig at hindi nasiraan ng loob dahil walang panahon na dumaan na hindi mababanaag ang pamumula ng ibang ilaw ng karunungan, ng matatapat at mababait na mga Muslim na lalaki at babae, na nagpakita ng kabaitan mula sa ipinakilala at ipinamalas ng Islamikong mensahe at misyon.

Ang aklat na ito ay unang nailathala na may pamagat na ‘Ang Babae sa Pananaw ng Relihiyong Islam,’ at kami ay nagsumikap na iangkop ang pagsasalin nito para sa ikabubuti ng mga mahilig magbabasa ng malawakan (tungkol sa Islam). Kami ay dumudulog sa Allah, ang Dakila, na sana ay tanggapin ang aming hamak na pagsusumikap at patawarin kami sa aming pagkakamali. Dahil ang Dakilang Allah ang Siyang tumutugon sa mga pagdarasal at tumatanggap ng mga mabubuting gawain.

Abu Salman Deya-ud-Deen Eberle

Paunang Salita ng may Akda

Ang lahat ng papuri ay para lamang sa Allah, ang Dakila. Nawa'y purihin at itampok ng Allah (U) ang pagbanggit sa Kanyang Propeta (Muhammad, r) at ang kanyang pamilya at pangalagaan sila mula sa anumang masamang bagay'.

Ako ay naniniwala na hindi ko mailahad ang mga bagong impormasyon tungkol sa mga paksa na may kinalaman sa mga karapatan at ang katayuan ng mga babae sa Islam. Samakatuwid, nagtangka akong mag-ipon, isaayos at likumin ang mga ibang mahalagang impormasyon sa paksa na ito at ipahayag para sa kapakinabangan ng mga mambabasa.

Ako ay umaasa at dumadalangin para sa patnubay mula sa Allah, ang Dakila, na sana’y maging matagumpay ako sa aking mga layunin. Hindi magiging makatarungan na paratangan ang Islam sa mga maling gawain at pang-aapi sa mga kababaihan kung saan maraming mga salita mula sa kapahayagan ng Allah, ang Qur’an at sa mga katuruan ng Propeta (r) na itinanggi at ipinagkaila ang ganitong mga usapang paninirang puri. Ang Dakilang Allah ay nagsabi;

“O Sangkatauhan! Nilikha Namin kayo mula sa isang pares na lalaki at babae, at ginawa Namin kayo sa maraming bansa at mga tribo upang makilala ninyo ang bawa’t isa. Katotohanan, ang pinakamarangal sa inyo sa paningin ng Allah ay yaong sumasampalataya na may Taqwa (kabanalan at kabutihan) at ganap na nagmamahal sa Allah. Katotohanan ang Allah ay Tigib ng Kaalaman at Lubos na Nakababatid ng lahat ng bagay.” (Qur’an 49:13)

Ang Dakilang Allah ay nagsabi;

“At kabilang sa Kanyang mga Tanda ay ang paglikha Niya para sa inyo, mga kabiyak (asawa) mula sa inyong sarili, upang inyong madama ang katahimikan at pahinga sa kanila, at inilagay Niya sa inyong puso ang pag-ibig at awa sa isa’t isa. Katotohanang, naririto ang mga Tanda sa mga tao na may matiim na pagmumuni-muni.” (Qur’an 30:21)

Ang Propeta (r) ay nagsabi;

“Katotohanan ang mga babae ay kabiyak na kakambal ng mga lalaki.” (Abu Da'wood, Tirmidhi at itbp, at napatotohanan bilang makatarungan)

Abdurrahmaan al-Sheha

Riyadh, 11535

P.O. Box 59565